Jobs Abroad
Ang binayaran ng employer mo ay Recruitment Service Fee (RSF). May mga agencies na hindi pa nakukuntento doon. Naniningil pa sila ng placement fee na equivalent to one month salary (basic & all allowances) at kung minsan may processing fee pa, usually around P5-10K. Gahaman man sila sa tingin natin, wala tayong magagawa dahil naaayon sa batas ang ginagawa nila.

Sino ba ang kumuha sa agency? Kung yung employer mo, kausapin mo na lang yung employer mo na sulatan yung agency at sabihin na "We were of the impression that the Recruitment Service of US$400 that we paid is inclusive of everything i.e. that the applicant will not be charged anything. Please confirm". Para malinawan at medyo magkahiyaan kung meron mang natitirang hiya yung agency.
Yung mga malalaking agencies kasi like EDI-Staffbuilders at Intl. Skill Development (dalawa lang sila sa alam ko, malamang na marami pang iba), kuntento na sa RSF. May mga ganid talagang agencies.
Sad to say, kapag sumagot yung agency at sinabing placement fee yun, wala tayong magagawa, babayaran mo talaga yun unless sasagutin ng employer. Kung kailangan ka naman kasi talaga ng employer, napakaliit na halaga noon. Kung skilled category kasi, usually mga US$800-1,000 ang RSF so lumalabas, ganoon din. Pagkakaiba lang, imbes na yung employer ang pinasasagot ng agency, ikaw.
Ang pinakamaganda talaga niyan ay magsadya ka na sa Legal Dept. ng POEA.